top of page

5 Paraan kung Paano Matutulungan ng mga Magulang ang Kanilang mga Anak sa Paaralan


parenting

  1. Siguraduhing pumapasok ang bata araw-araw. Ang mga natututunan sa paaralan ay hindi na maibabalik. Ang mga tungkulin at trabaho sa loob ng paaralan ay higit na mahalaga kaysa mga posibleng dagdag trabahong maaaring ipagawa ng guro sa labas ng paaralan. Hindi mapapalitan ang pagpasok ng bata sa paaralan.

  2. Bigyan ng ispesipikong oras at lugar kung kailan at saan gumagawa ng takdang-aralin ang bata. Kung walang takdang-aralin, ipagamit ang oras upang magbasa-basa o magbalik-aral. Routine ang pinakamahalaga sa buhay ng isang mag-aaral. Disiplina sa sarili ang binubuo natin sa pagkakaroon ng routine.

  3. Patuloy na makipag-ugnayan sa mga guro ngunit gawin ito sa wastong paraan. Natutuwa at nagpapasalamat ang mga guro sa mga magulang na nakikipag-uganayan sa kanila. Tinatanaw ng mga guro ang paghingi ng PTC ng mga magulang bilang tanda na nagmamalasakit ang magulang sa kalagayan ng kanilang anak sa loob ng paaralan. Sa isang banda, ang pakikipag-ugnayan lagi, kadalasang pakikipag-usap nang walang appointment, at pagtawag sa gabi ay HINDI mabisang paraan upang magkaroon ng magandang relasyon sa mga guro.

  4. Hubugin ang disiplina sa sarili o character sa bata. Ang pagbuo sa character ang magdidikta kung paano niya haharapin ang mga hamon sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa iba at buhay-akademiko. Mayroon talagang tama at mali. At sa mundong nais nating ipamana sa ating mga anak, ang mali ay may masamang epekto sa sarili at iba kung kaya’t ito’y winawasto. Sa katunayan, sa labas ng paaralan, ang mali ay pinarurusahan. Iwasto ang mali sa bahay at hayaang disiplinahin ng mga guro ang mali sa loob ng paaralan.

  5. Gumawa ng oras araw-araw upang kausapin ang inyong anak tungkol sa kanilang mga ginagawa sa loob ng klase. Iparamdam niyo na mayroon kayong malasakit sa kanilang buhay-mag-aaral.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page