top of page

Pag-aaral ng Typing, Mahalaga sa Elementarya


Maaaring pinahihina ng iba’t ibang teknolohiya, tulad ng tablet, cellphone, at computer, ang concentration ng mga bata subalit ano pa nga ba ang magagawa natin kundi umangkop sa panahon. Kung hindi natin matanggal mula sa ating mga anak ang paghawak ng keyboards at pagtingin sa screen, sikapin na lang nating turuan sila kung paano humawak ng computer ng maayos. Sa katunayan, mainit ang usapin ngayon sa ilang paaralan sa Estados Unidos tungkol sa pagtuturo ng typing. Oo, ang kasanayang dating itinuturo sa mga paaralan noon ay pinahahalagahan ngayon ng ilang elementarya sa U.S.

Sa anong edad maaaring simulang turuan ng typing ang bata?

Ayon sa pangkalahatang kaalaman, hindi pa gaanong mahusay ang kamay at mga daliri ng bata hanggang tumuntong siya sa edad 7 o 8 taong gulang. Sabi ni Michelle Yoder, isang pediatric occupational therapist, maaaring maging handa na ang bata sa pormal na pag-aaral ng typing pagdating niya ng ika-apat na baitang. Sa edad na ito, maaasahan na mula sa kanilang ibuka ng mabuti ang mga daliri at magkaroon ng maayos na Palmer arch. Subalit, pwede pa rin namang matuto ang mga bata sa preschool ng mga kasanayang kakailanganin nila paglaon. Mayroong mga keyboard printouts na nagtuturo kung aling daliri ang responsable sa aling titik.

Ano ba ang mga benepisyo ng pag-aaral ng typing sa mga bata?

Walang kaduda-duda, ang pinaka benepisyo ng typing ay ang oras na natitipid sa pagsulat ng mga takdang-aralin o proyekto. Pero higit pa riyan ang benepisyo para sa mga bata. Nakatutulong ito upang mapabilis ang mga kasanayang visual at motor, sapamamagitan ng paggabay ng mga mata sa mga kamay. Ibinalita rin ng Thames Valley District School Board na nakatutulong ang typing sa paghubog ng mga kasanayan sa pagsulat, pagbaybay, at gramatika ng kanilang mga estudyante. Para sa mga batang may ilang kapansanan, tulad ng dysgraphia, pinapayuhan ni Yoder na mag-aral ng typing upang mailagay sa screen ang kanilang mga kaisipan.

typing-fingers-color-chart.jpg

Mga mungkahing typing games

Bago mo gawing trabaho ang pag-aaral ng typing, baka pwede mo muna itong ipakilala bilang masayang laro. Mayroong mga typing games mula sa internet na maaaring ikatuwa ng iyong anak habang natututo siyang mag-pokus sa keyboard.

TypeRacer.com – pabilisan na may kalarong ibang bata

Learninggamesforkids.com – iba’t ibang laro

Slimekids.com – iba’t ibang laro

ABCya.com – isang laro na may iba’t ibang antas ng hirap

Funtotype.com – iba’t ibang laro

DanceMat Typing – iba’t ibang laro

Bagaman mahalagang matuto ng typing ang mg bata sa modernong panahon, kailangang tandaang hindi pa rin mapapalitan ang kasanayan sa pagsusulat gamit ang panulat at papel. Sabi ni Yoder, “"We cannot deny that we are in the digital age. So, once children become fluent writers, they are also going to have to learn to type…However, recent research shows that [different] areas of the brain are highlighted on scans when writing as opposed to typing. Therefore, prior to 4th grade, learning proper handwriting with a combination of sensory experiences is the best way to improve hand-eye coordination and build hand strength."

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page