top of page

Ipaalam sa mga Bata na may Masasamang Loob sa Paligid

Nakakatuwa nga ang video pero tingin ko, tama ang ginagawa ni nanay sa kaniya. Nakakatakot man, kailangan talagang kausapin ang mga anak tungkol sa ibang taong maaari silang saktan. Ang pagiging malay sa kanilang kaligtasan ang pinaka mabisang panangga laban sa karahasan. Iminungkahi ni Dr. Phil, isang tanyag na personalidad sa telebisyon sa Estados Unidos, ang mga sumusunod na payo:

pedo.jpg

  1. Kailangan maging malay ang mga magulang sa mga posibleng manakit sa bata. Maaari mong pagsuspetsahan ang mga taong sobra-sobra ang pagtulong na ginagawa sa pamilya, maraming alam tungkol sa iyong anak, lalo na kung wala silang mga anak. Subuking kilalanin ang mga matatandang nakakasalamuha ng iyong anak tuwi-tuwina.

  2. Kausapin mo ang iyong anak tungkol sa masasamang loob na maaaring pagsamantalahan, saktan o kidnapin sila. Maaari na nilang bahagyang maunawaan ang mga konseptong ito sa edad 3 hanggang 5 taon.

  3. Sabihin mo sa kanilang mahal na mahal mo sila kahit anong mangyari. Ipaalala mo sa kanila na laging magsasabi ng totoo.

  4. Huwag kang matatakot na parang tinatakot mo ang iyong anak. Piliin mo ang iyong mga salita ng naaayon sa kanilang edad. Ang mahalaga ay maging malinaw sa kanila ang mga inaasahan mong gawin nila kung magkataong makita nila ang kanilang sarili sa mga sitwasyong inilarawan mo.

  5. Dapat alam ng mga batang may kapangyarihan silang magsabi ng ‘hindi’ o ‘ayaw’. Mayroon din silang boses para sumigaw o tumawag ng tulong kung kinakailangan. Baka sakaling malito sila dahil tinuturuan natin silang gumalang sa mga nakatatanda pero kung medyo hindi tama o mabuti ang kanilang nararamdaman sa isang sitwasyon kasama ng isang hindi kilalang tao, sabihin mong pumapayag kang magdabog, sumigaw o tumakbo palayo. Kailangang maramdaman nilang hindi ka magagalit kung sakaling mangyari nga ito.

  6. Siguraduhin niyong alam ng mga bata kung alin ang mga kilos na wasto at hindi wasto. Mayroong mga bawal hipuin o gawin sa kanilang katawan kahit ng mga taong kilala nila.

  7. Ensayuhin ang tugon ng mga bata sa isang masamang pangayayari. Pwedeng mag-role-playing upang higit na maalala. Idiin ang mga pwedeng gawin sa gitna ng isang pangyayari – sabihing hindi, huwag o ayaw. Pwede ring sumigaw, magwala, humingi ng saklolo, at tumakbo kung sakaling hindi na talaga maganda ang nangyayari.

  8. Ipaalala sa mga bata na hindi malalaman sa hitsura kung ang isang tao ay may masamang balak. Hindi kailangang nakakatakot ang hitsura para maging masamang tao. Pwedeng isang araw, may masamang gawin sa kanila si mamang tricycle driver, si ate na maraming alahas at nakasakay sa kotse o ang isa nilang kapitbahay. Hindi natin masasabi kung sino ang may masamang intensyon sa atin.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page