top of page

Bullying: Alamin kung Paano Maiiwasan ang Salot sa Paaralan

Ang bullying ay pisikal o emosyonal na pananakit. Gustong ipakita ng nananakit na higit siyang malakas kaysa isa. At ang bullying ay nangyayari tuwi-tuwina.

Mayroong higit isang uri ng pananakit o bullying:

  1. Pisikal na pananakit tulad ng panunulak, panununtok, pangunguwelyo

  2. Pananakit sapamamagitan ng mga salita tulad ng panunukso o pagmumura

  3. Pangkatang pananakit o social bullying tulad ng pagpapalaganap ng tsismis laban sa isang tao o pag-iwas sa tao makasama sa isang pangkat

  4. Pananakit sapamamagitan ng internet tulad ng pag-post sa facebook ng masasakit na salita o pagpapakita ng mga hindi magagandang larawan para lang magpahiya

Kausapin mo na ang iyong anak tungkol sa bullying bago mo pa makita ang anak mong nasa dulo ng pananakit

Ipaliwanag mo sa kaniya kung bakit mahalaga para sa iyo na maunawaan niya ang bullying:

  • “Medyo mahirap malaman kung nagbibiro lang ang isang tao o sadyang nang-aasar na siya at nananakit na. Kung sakaling nasasaktan ka na sa ginagawa niya, pag-usapan natin at alamin nating kung anong pwede nating gawin.”

  • “Sa ating pamilya, naniniwala tayong may karapatan ang lahat na makatanggap ng paggalang. Kaya, kapag nagbibitaw ka ng mga salitang hindi maganda, o nanunulak, o namamalo, o namamahiya, hindi ka nagbibigay paggalang."

Laruin niyo ang larong “paano kaya kung…”

Tanungin ang bata, “paano kaya kung…”:

  • “…may makita kang kaklaseng inaasar at pinipikon ng isa pang kaklase?”

  • “…minura ka ng iyong kaklase?”

  • “…nasaktan mo ang damdamin ng is among kaklase?”

Hanapin ang mga palatandaan ng pam-bu-bully

Kausapin ang iyong anak tungkol sa kung anong nangyayari sa loob ng paaralan. Maaari siyang na-bu-bully kung…

  • …ayaw na niyang pumasok sa kalagitnaan ng taon

  • …mayroon kang nakikitang mga marka sa katawan (sugat o bugbog) mahigit dalawang beses sa isang buwan

  • …palaging malungkot at balisa siya kapag papasok na

  • …kung lagi siyang nagrereklamo, umaarte o talagang sumasakit ang ulo o tiyan

Pwede rin namang siya ang nam-bu-bully kung…

  • …nahihirapan siyang kontrolin ang kaniyang galit

  • …magaslaw, mayabang o agresibo ang kaniyang mga kilos

  • …laging napapatawag ng guro o nabibigyan ng mababang marka sa kabutihang-asal

  • …mayroong siyang mga kaibigang kilalang nam-bu-bully

Magsalita kung makakita ng mga palatandaan ng bullying

  1. Kausapin ang mga guro ng iyong anak kung sakaling pakiramdam mo ay sangkot siya sa pam-bu-bully ang ibang bata

  2. Kung nam-bu-bully ang iyong anak, baka sakaling kailangan niyang matutunan kung paano kontrolin ang kaniyang galit o kung paano mabibigyan ng gabay ang anumang suliranin na kaniyang hinaharap ngayon

  3. Kung nakakaramdam ang iyong anak ng pananakit mula sa iba, ipaalala mo sa kaniya ang kahalagahan ng hindi paghihiganti. Hindi mabuting solusyon ang pakikipag-away bagkus ay magsabi siya sa guro o administrasyon.

Naririto si Thomas Gagliano, manunulat ng librong “The Problem with Me” at isa dating bully, na maghahatid ng anim na payo para sa mga magulang:

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page