top of page

Isang Susi sa Tagumpay: Aktibong Bata sa Bakasyon


Dala ng summer vacation ang pahingang hanap-hanap ng mga mag-aaral sa buong bansa. Subalit, hindi ibig sabihin nito’y puwede ng palitan ng mga computer games ang mga aklat o ng halu-halo ang ehersisyo.

Mayroong lumalaking pagsusuri tungkol sa pagdagdag ng bigat at pagiging huli ng mga bata sa kanilang mga akademikong pag-aaral tuwing bakasyon.

Kadalasan daw hindi nabibigyan ng halaga ang pagkain at mga gawaing pangkalusugan ng mga bata tuwing bakasyon dahil patuloy na nagtatrabaho ang mga magulang habang naiiwan ang mga bata para gawin ang kanilang mga hilig, tulad ng paglalaro sa computer at panonood ng telebisyon. Mahirap man tutukan ang wastong pagkain at gawain ng mga bata sa mga buwang ito, kinakailangang gumawa ang mga magulang ng paraan, ayon sa mga guro at eksperto.

“Excited siya para matuto kaya gusto ko lang maipagpatuloy niya ito kahit sa summer vacation. Magiging kinder na rin siya sa pasukan at gusto kong ma-advance ang kaniyang pag-aaral,” sabi ni Beatrice Reynolds.

Pinasok ni Beatrice ang kaniyang anak, na si Kamorah, sa isang programang pang-akademiko upang mayroon siyang mapagkaabalahan sa summer. Makaluma raw ang kaniyang pananaw tungkol sa kalusugan ng bata.

“Ibang klase na ngayon. Masyadong maraming teknolohiya sa paligid. Pero, kailangan talagang paghandaan kung kailan sasabihin sa mga batang lalabas tayo ngayong araw at ito ang ating mga gagawin,” sabi ni Beatrice.

Ayon sa isang ulat ng Healthy Summer for Kids, sinabi ng mga mananaliksik na dalawa hanggang tatlong beses ang bilis ng pagbigat ng timbang ng mga bata tuwing summer break kung ikukukmpara sa mga araw kung kailan may pasok.

Wika ni Stephanie Wallace, isang pediatrician sa Children’s Alabama, sapat na ang tatlong buwang wala o kaunting ehersisyo upang makabuo ng hindi mabuting kaugalian.

“Nangangailangan lamang ng 90 araw para maging kaugalian ang isang ginagawa. Humigit kumulang sa tatlong buwan ang summer break. Sa loob ng panahong ito, umuuwi ang mga bata sa bahay at nanonood ng TV, gumagamit ng computer at naglalaro ng video games nang maraming oras,” sabi ni Wallace.

Hindi lang problema ang kakulangan ng mga gawaing pampisikal kundi ang kakulangan ng mga gawaing pang-akademiko. Kaugnay daw ng kakulangan ng mga gawaing pang-akademiko sa bakasyon ang pagkahuli ng bata sa mga aralin sa pagpasok.

“Alam namin mula sa mga pag-aaral na nakakalimutan ng mga bata ang kanilang napag-aralan noong pasukan kapag hindi sila sumasali sa mga gawaing pang-akademiko tuwing bakasyon. Sa pagpasok muli sa paaralan, nahuhuli sila ng mga dalawang buwan kumpara sa mga kaklaseng sumali sa mga gawaing pang-akademiko noong bakasyon,” pahayag ni Janine Langston, isang youth services coordinator.

Kailangan ng mga bata ang consistency kaya naman hikayat ni Dr. Wallace at Langston sa mga magulang na isaalang-alang ang kahalagahan ng pagkain at mga aktibong gawaing tuwing bakasyon.

“Maglaan ng isang oras na gawaing pampisikal. Paghandaan sila ng 5 hanggang 10 serving ng prutas at gulay. Higit sa lahat, siguraduhing mayroon silang gawaing hahamon sa kanilang mga isipan araw-araw.”

Dagdag ni Reynolds, "Hayaan silang maging bata. Huwag niyo silang hayaang maglaro lang ng video game sa isang sulok. Magandang lumabas ang buong pamilya. Maaaring gumawa ng pizza, hayaang lumabas ang mga bata para maglaro, at dalin sila sa mga pampublikong lugar tulad ng palaruan.”"

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page