top of page

Paano Magpalaki ng Batang Mabait


Isang pambihirang responsibilidad ang mag-aruga at magpalaki ng bata. Sa murang edad, madaling natutunan ng mga bata ang iba’t ibang bagay mula sa kanilang mga magulang sapamamagitan ng pakikinig at panggagaya. Subalit, ang isang mahalagang dapat matutunan ng mga bata mula sa kanilang magulang ay ang wastong pakikisalamuha sa ibang tao.

Hindi maikaiila ng magulang ang hirap ng pagpapalaki ng anak, lalo pa ng isang mabuting anak (kind child). Wika nga ni Dr. Robin Berman, “mahalaga sa amin ang grades, ang pagiging sports-minded o artistic niya, ang mga acomplishments niya, pero higit sa lahat, pinakamahalaga para sa amin ang palakihin silang mabait (kind). Kapag ibinuhos namin ang lahat ng oras namin sa mga tanong tungkol sa math o pagpapadala sa kanila sa mga enrichment activities, dadating din kami sa puntong nagtatanong kami kung ano nga ba ang priority namin – at bakit?”

Sa isang pag-aaral, natukoy ng mga sikolohista mula Harvard University ang ilang mga pamamaraan upang mapalaki ang batang mabait.

1. Maging isang mabuting halimbawa o role model

Madaling matutunan ng mga bata ang samu’t saring impormasyon sa loob ng mga pinakamahahalagang taon ng kanilang paglaki. Para silang mga sponge na sumisipsip ng anumang nakikita o naririnig mula sa paligid, lalo kanilang magulang. Sa murang edad, tinitingala ng mga bata ang kanilang magulang bilang halimbawa o role model. Kaya naman, kung umaasang maging mabait ang mga bata, mahalagang tingnan ng mga magulang ang kanilang sarili kung gaano rin sila kabait.

Sinasabi sa pag-aaral ng Harvard University na hindi kailangang maging perpekto o pagmulan ng lahat ng sagot ang role model pero pinagsisikapan niya ang mga sariling limitasyon, tinatanggap niya ang kaniyang mga kakulangan, nakikinig siya sa mga bata at mag-aaral, at iniuugnay niya sa pag-unawa ng mundo ang mga mabubuting pagpapahalaga.

Isa sa pinakamabisang paraan para maging role model ay ang pagiging tapat sa bata, lalo na kapag may matindi at mahirap siyang emsoyong nararanasan. Sa tulong ng magulang, matututunan ng mga bata ang kanilang mga pagpapahalaga at mabuting a sa iba.

2. Turuan ang mga bata magkaroon ng empathy

Hindi laging madaling malaman kung ano ang nararamdaman ng mga bata habang sila makisalamuha sa iba. Gayunpaman, naamdam ang mga bata ng parehong emosyon tulad ng kahit na hindi pa nila lubusang naipapahayag ang mga ito. Kaya naman, mahalagang maturuan silang makiramay o magkaroon ng empathy. Importanteng maramdaman ng mga bata kung ano ang nararamdaman ng iba.

Sa pagtuturo ng empathy, hinihikayat na makita ng mga bata ang pag-aaruga at pagmamahal ng magulang sa iba. Sa kasamaang palad, ayon kay Dr. Berman, hindi raw nakatutulong ang selfie culture sa mga bata para lumaking mabuti at masaya. Ayon sa mga pag-aaral, higit na masaya ang tao habang nakikisalamuha sa iba kailangang pangangailangan ng iba kaysa ang pag-seselfie.

3. Pahalagahan ang pagtulong sa iba

Bilang tao, pinahahalagahan natin ang pagmamahal sa sarili. At minsan, n ang kailangan nating gawin upang malampasan ang mga problema sa buhay. Subalit, ang pag-aaruga sa iba ay magtuturo sa mga bata kung paano makipag-ugnayan. Ayon sa pag-aaral ng Harvard, “Sapamamagitan ng wastong pamamatnubay ng magulang at paggawa ng nararapat, matututunan ng bata ang kakanyahan at tapang kung kailan dapat manghimasok sa mga sitwasyong makatutulong sa naaapi. Sila’y magiging mabuting tagapagtanggol at paunang manlulunas.”

Ipakita raw sa mga bata na importante ang pag-aaruga sa iba. Kapag makita at madama raw ng bata na mahalaga sa magulang ang pagtulong sa iba, siguradong magiging mahalaga rin sa kanila ang tumulong. Lalaki ang batang iniisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili at nagtatrabaho siya nang mabuti upang manatiling mabait araw-araw.

4. Tulungan sila iproseso ang kanilang emosyon

Hindi lahat ng emosyon ay madaling maintindihan tulad ng pagiging masaya. Ang ilang emosyon, tulad ng pagkagalit at pagkadismaya ay maaaring mahirap maunawaan ng mga bata. Kapag may mga ganitong emosyong nararamdaman ang mga bata, mahalagang maturuan sila kung paano maproseso ang mga ito. Ang mga batang hindi natuturuan kung paano unawain ang mga emosyong ito ay kadalasang mapanira. Naipakikita nila ang mga emosyong ito sapamamagitan ng pisikal na pamamaraan, tulad ng pananakit, paninipa, o pagsisigaw. Ang mga pag-uugaling ito ay malayo sa inaasahan nating mabait na bata. Kaya naman, sinasabi ng mga sikolohista mula Harvard na susi ang malusog na pagproseso ng emsosyon.

“Kailangang ituro sa mga bata na ang lahat ng pakiramdam ay OK lang, subalit mayroong mga paraan at pagkilos na hinid nakatutulong. Kailangang maturuan natin ang mga bata na matulungan ang kanilang sarili sa isang malusog na pamamaraan,” dagdag ng mga sikolohistang taga-Harvard. OK lang na makaramdam ang mga bata ng mga hindi kaaya-ayang pakiramdam.Pero, higit sa lahat, kailangan nilang matutunan kung paano ito bibitbitin at kung kailan bibitawan.

5. Madalas bigyang papuri ang bawat isa

“Hindi matatawaran ang kapangyarihan ng mga salita. Nakapagpapaliyab ng damdamin o nakapagbibigay-inspirasyon ang mga salita. Ang kasanayan ng wastong pakikipag-usap at diyalogo ang gagabay sa mga bata upang marinig sa hinaharap. Nakapagpapakita rin ito ng isang halimbawang tutulong sa kanila upang maging mabait.” – Dr. Robin Berman

Ang pagbibigay papuri at pagiging consistent ay mga sangkap sa pagpapalaki ng isang batang matibay ang pundasyon ng emosyon. Ito rin ang susi sa pagpapalaki ng isang batang mabait. Nangangailangan ng patuloy na paggawa at pag-ensayo ang pagiging mabait. Kapag nakagawa ng kabutihan ang bata, siguraduhing bigyan ito ng pansin at papuri. Purihin sila dahil sa kanilang ginawa para kanilang makilala na ang kanilang ikinilos ay tama.

Maganda ring papurihan ang sinumang makagawa ng kabutihan. Tandaang nakikinig lagi ang mga bata. Kaya, iminumungkahing ang lahat ng mga matatanda sa buhay ng bata ay makisama sa adbokasiyang ito. Masmarami raw ang pumupuri sa bata dahil sa kaniyang paggawa ng mabuti, higit niya napatitibay ang kaniyang pagpapahalaga sa paggawa ng kabutihan.

Panghuling kaisipan

Ang pagiging mabait o kind ay isang bagay na kailangang matutunan ng mga bata – tulad ng wastong pag-uugali, pagsabi ng please, salamat, po, at opo. Isama na rin dito ang pagkatuto sa tama at mali at sa pagkakaroon ng empathy. Marahil hindi na rin kaila sa maraming magulang ang mga mungkahi na nakasaad sa itaas dahil mula rin sa kanilang karanasan ang mga ito. Huwag matatakot na magkamali pero kilalanin na kailangang itama ang anumang pagkakamali dahil ang mga bata ay laging natututo.

Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square

John Davies Vardeleon or Sir Var to his students is an educator at heart. His experiences in teaching Social Studies in the Jesuit-run Ateneo de Manila University for eight years and moderating for the school's Citizenship Program for ten years, inspired him to promote proper parenting, teacher-training, and the use of the Filipino language in his community through High Horizons Learning Center, which he started in 2007.

bottom of page